Kampo Heneral Paciano Rizal, Calamba, Laguna–Arestado ang apat na kabilang sa most wanted persons (regional level) sa magkakahiwalay na manhunt operations ng Biñan CPS, Calauan MPS, Pila MPS at Luisiana MPS noong Setyembre 6.
Kinilala ni Police Colonel HAROLD P DEPOSITAR Officer-in-Charge, Laguna PPO ang mga akusado na sina alyas Marvin, Ruel, Jackson at Anna.
Sa manhunt operation na ikinasa ng Pila Municipal Police Station, naaresto si alyas Marvin sa ganap na 11:30 ng gabi sa Brgy. Labuin. Isinagawa ang operation sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng 4th Judicial Region, Regional Trial Court Branch 27 Sta Cruz Laguna sa kasong rape na walang nirerekomendang pyansa.
Naaresto naman si alyas Ruel sa ikinasang manhunt operation ng Calauan Municipal Police Station sa ganap na 7:10 ng gabi ng Setyembre 6 sa Brgy. Silangan sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 92 Calamba City, Laguna sa kasong murder na walang nirerekomendang pyansa.
Arestado din si alyas Jackson sa ikinasang manhunt operation ng Luisiana Municipal Police Station kahapon sa ganap na 10:20 ng umaga sa Pasay City sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court, Branch 26, Santa Cruz, Laguna sa kasong RA 9262 o “Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004″.
Sa police operation ng Biñan City Police Station ay naaresto si alyas Anna ganap na 4:40 ng hapon sa Brgy. Sto. Domingo, Binan City, Laguna. Isinagawa ang operation sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 108, Cabuyao City, Laguna sa kasong carnapping.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng operating units ang mga arestadong akusado, samantalang iimpormahan naman agad ang korteng pinagmulan ng warrant of arrest sa pagkaaresto nito.
Ayon sa pahayag ni PCOL DEPOSITAR, “Ito ang patunay na seryoso ang Laguna PNP sa pagsasagawa ng mga operation laban sa mga taong nagtatago sa batas para mabigyan ng hustisya ang kanilang mga biktima. Kaya tayo po ay magtulungan. Maaari po na ipagbigay-alam sa pinakamalapit na himpilan ng Pulisya sa inyong lugar kung may alam kayong taong lumabag sa batas. (gtgilao)
The Wednesday HERALD is one the longest running community weekly newspaper circulating in the Province of Laguna. It is founded in 1981 by Nena Estrellado-Mallari, one of the frontrunners of print media in Laguna.