Lumagda noong nakaraang Miyerkoles ng hapon sina Secretary Jose Rizalino “Jerry” L. Acuzar ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at San Pablo City Mayor Vicente B. Amante sa isang Memorandum of Understanding (MOU) para sa pagpapatayo ng may 25,000 low-cost houses sa Barangay Santa Ana sa Lungsod ng San Pablo.
Ang housing project na ito ay bilang pakikiisa ng Pamahalaang Lungsod ng San Pablo sa Pambansang Pabahay Para sa Pilipino (4PH) Program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.
Kasama ng punonglungsod sa paglagda sa MOU na ginanap sa punong tanggapan ng Department of Human Settlements and Urban Development sa DHSUD Building sa lungsod na ito ay sina City Legal Officer Agripino G. Morga, Concurrent City Human Resource Officer Diosdado A. Biglete at City Information Officer Enrico B. Galicia. (CIO-San Pablo)