NI: Nicolai M. Miranda
Sa madalas naming pag-uusap ni City Administrator Larry S. Amante at buhat noong siya’y aking makilala, ‘eto ang pagpapatoong si City Admin. ay may karisma at pigurang nakikita rin sa kanyang ama — si Punong Lungsod Vicente B. Amante.
Noong Disyembre 5, 2022, personal na binisita at nakahuntahan ko nang ilang minuto si City Admin. Dito’y namalas kong bukas ang kaniyang panahon sa lahat pagkakataon na siya’y makausap sa kaniyang tanggapan sa San Pablo Multipurpose Convention Center.
Bago ang aming pag-uusap, niloob kong magmasid sa mga kaganapan sa kaniyang tanggapan. Hindi mabilang ang mga taong doo’y pumupunta upang iparating kay City Admin. ang kanilang sadya — personal man o hindi. Ganoon di’y ang kaniyang sarili ang lumalapit sa mga nagsasadya upang personal niyang tanungin at masasabi na tinutugon niya kung ano man ang dapat.
Sa aming pag-uusap, doon ko namalas ang mga karakter na nakuha niya sa Alamat: mahinahon, mapagbiro, at mahusay kung makitungo.
Sa huli, bago matapos ang aming pag-uusap, heto ang kaniyang sinambit: “Salamat nang marami at napasyal ka rito. Basta’t ang mahalaga, tayo’y tumutulong para sa ating bayan at para mapagaan din ang trabaho ni tatay (Mayor Vic) kaya natin ito ginagawa. Kasi ang paglilingkod ay hindi naman din para sa atin; para din ito sa ating nga kababayan at sa ating lungsod.”